HOMEPROGRAMS AND PROJECTSABOUT USCONTACT USSITE MAPPARTNERSLINKS


FELLOWS SPEAK
VOLUNTEERS INTEGRATION PROGRAM
BOOKS AND OTHER PUBLICATIONS

ARCHIVES
EVENTS

MEDIA ADVOCACY
 
Prof. Bien Lumbera, National Artist

Isang manunuri,
Guro
Mandudula
Makata
At
Masigasig na Chairperson ng bagong tatag na
Center for People Empowerment in Governance o CenPEG.
Isang advocate laban sa katiwalian o korupksyon.
Lahat ng ito
ay nagsasalarawan sa pitumpu’t apat na taong gulang na
“cultural giant” na si Bienvenido Lumbera.
Ang inspirasyon niya sa panulat
ay nagmumula sa buhay at pakikibaka
ng mga karaniwang mamamayan—
mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, at iba pang
marginalized sectors.
Kaisa siya sa mga karaniwang tao…
Mapa-piketlayn man sila o nagmamartsa sa kalsada
Lumalaban at nangangarap para sa kanilang magandang kinabukasan
Hinirang nuong 1993 na Ramon Magsaysay Awardee para sa Journalism, Literature and Creative Communications Art ….
At ngayon …
bilang NATIONAL ARTIST FOR LITERATURE
Na kung baga ay “overdue” na pagkilala sa isang Dakila at Natatanging
Alagad ng sining: si DR. BIENVENIDO L. LUMBERA
na mas kilala bilang KA BIEN
Ipinanganak sa Lipa noong ika 11 ng Abril 1932.
Naulila sa maagang edad na isang taon kasama ng isa pang kapatid na babae
Kinakitaan ng kahusaysan sa pagsulat…
Sa elementarya pa lamang
Sa haiskul, sabi niya
mahirap daw maisaulo ang mga kumplikadong verb at conjugations ng wikang Filipino. Para sa kanya ang good literature ay nasa wikang English. OOOps, yan ang batang si Bien, mahusay sa English…
Aba, kaya naman kumuha siya ng Journalism
At nagtapos ng cum laude… sa UST
Bumalik siya sa Lipa… at nagturo sa Mabini Academy, ang kanyang “alma mater.”
Magaling sa English,
Naging staff sa dyaryo sa military base ng SUBIC, home of the US Marines
Sa Maynila, nagturo sa isang public school
At nag-aral pa sa FEU
Talagang master niya ang English, nakatanggap ng Fullbright scholarship
At kumuha ng Comparative Literature sa… saan pa kundi sa ….
Amerika, sa Unibersidad ng Indiana!
Akala natin ay tuloy tuloy na ang pagiging Americanized,
Naisip niyang gawing topic ng kanyang masteral thesis ang tungkol sa … makatang Kastila… Aba, kolonyalista pa rin ang gusto, hindi nga Amerika, Kastila naman.
Buti na lang at pinayuhan siya ng isang kaibigan
“Bakit hindi tungkol sa Pilipinas” ang gawin mo?
KAya hayun, nagawa niyang tesis sa masteral ang isang…
classic study na Traditions and Influences in the
Development of Tagalog Poetry (1570-1898).
At dito…… nagumpisa ang pagsibol ….. ng kanyang diwang makabayan
Si Ka Bien. Mukang tinalikuran na ang pulos English na panulat….
Bumalik sa Pilipinas ….. Nagturo sa Ateneo de Manila University
Pero, teka, bumalik pa rin siya sa Estados Unidos ….
para tapusin ang kanyang Ph.D.
Dun sa Amerika nasaksihan niya ang laban ng mga negro,,,,
para sa kanilang karapatang sibil
“Ang kalayaan ay hindi hinihintay o hininhingi…. Sinasabi sa kanya…. ito ay ipinaglalaban.
Kaya naman sa pagbalik niya sa Pilipinas nuong 1967,
panahon ng aktibismo yun, napukaw ang kanyang pagiging makabayan…
Panay ang kanyang paggawa ng mga makabayang panulat… this time, hindi na pulos English na kanyang nakasanayan… mahuhusay na mga panulat….
Bilang pagkilala, naging chairman siya ng Panitikan para sa Kaunlaran ng Sambayanan (PAKSA).
Gaya ng maraming mga aktibista nuon, naranasan niyang mag-andergrawnd nang mag-martial law.
Hindi natinag, nagsulat, nagsulat at nagsulat…
si Ka Bien sa wikang nasimulan na niyang yakapin at mahalin…
Martial law. Dinanas niya ang sakit…. Ng pagkabilanggo at ligaya…
ng nabihag naman niya kasabay ng paglaya niya…
ang puso ang isang dilag na naging estudyante niya sa graduate school ng
Ateneo si Cynthia,,, at matapos ng ilang buwan ay naging Mrs. Lumbera.
Sa laya, nagturo sa UP
At mula noon….
Si KA BIEN ay naging REGULAR na faculty sa Department ng Filipino at Panitikang Pilipino.
Tuloy tuloy na ang kanyang mga makabayang panulat, wala nang atrasan….
Naging editor ng Diliman Review
Nagsulat ng “libretto” para sa mga “musical shows.”
Sa kahilingan ng Philippine Educational Theater Association (PETA)
gumawa ng isang “musical” na nakabase sa
ooopps… sa isang paksang may kaugnayan sa Amerika…
Ang America is in the Heart ni Carlos Bulosan.
Naging co-founder ng Philippine Comparative Literature Association (1969)
Pamana ng Panitikan ng Pilipinas (1970)
Kalipunan para sa mga Literatura ng Pilipinas (1975)
Philippine Studies Association of the Philippines (1984)
at Manunuri ng Pelikulang Pilipino (1976).
Talagang walang kapaguran …
Nagsusulat, tumutula, umaarte …..Tumutulong sa pagbubuo at pagpapatatag ng mga organisasyon,
Gaya ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG).
Si Ka Bien, ang inyong lingkod, si Dr. Bienvenido Lumbera, isa sa mga original founder at kasalukuyang Chairperson ng bagong tatag na policy study at popular education/training center para sa people empowerment in governance. Sino ba ang mag-aakala na pati sa governance at advocacy laban sa katiwalian, andun siya… Ayan si Ka Bien…. Para sa kanya malaki ang papel ng kultura sa pagbabago ng kaisipan at sa transformation ng lipunan.
Katuwang ngayon ng CenPEG ang Transparency International-Philippines para ipagwagi ang isa pang laban…. Ang laban sa katiwalian… at para itindig ang integridad ng pagiging isang tunay na tagapaglingkod sa bayan…........ Ka BIEN MABUHAY KA!
Isa kang buhay na inspirasyon sa lahat!

Home / Programs and Projects / About us / Contact us / Site map / Partners / Links
Telefax +6329299526 email: cenpeg@cenpeg.org; cenpeg.info@gmail.com; cenpeg2k4@yahoo.com
Copyright 2005 Center for People Empowewrment in Governance (CenPEG), Philippines. All rights reserved