![]() ![]() ![]() ![]() ![]() ![]() |
|
KULTURAKOT Ni
Vim Nadera PASAKALYE Noong 1988, pangungurakot na ang itinuturing ng Arsobispo ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin na "pinakamabigat na problema" ng Pilipinas noong Administrasyong Marcos. Noong
1989, pinaniniwalaang ng Administrasyong Aquino na "mas banta sa
seguridad ang mga nangungurakot na opisyal ng gobyerno kaysa komunistang
gerilya. Noong 1998, mataas ang nakuhang grado sa Transparency International and the Political and Economic Risk Consultancy (PERC), LTD. Pumang-anim ang Pilipinas sa 11 bansa sa Asya sa PERC corruption perception index (CPI), isang sukatan ng nawalang oportunidad sa mga investment. Habang dumadami ang mga paglutas sa problema ng kurakutan, ang iskor na 6.5 ang Pilipinas ay hindi pa rin ligtas sa krimeng ito. Umabot sa 30% ng pambansang badyet taon-taon ang nawawala sa kurakot. Kaya, kung ang badyet noong 1999 ay P590 bilyon (US$15.5 bilyon) ang nawawala sa nakaw ay P170 bilyon (US $ 4.47 bilyon). Noong Administrasyong Estrada nangako siyang ibaba ang karakutan bago matapos ang kanyang panunungkulan sa 80 %. Dahil sa Edsa Dos, mabibigyan ng bagong pag-asa laban sa korupsiyon ang mga Filipino sa pagkakaluklok ni Gloria Macapagal Arroyo. Kamakailan, wika ni Sen. Mar Roxas: "This mess in Moscow is not only an international embarrassment but goes to the root of the rule of law in our country because it involves those mandated to enforce the law. If this is what our police generals are doing, how can we stop corruption in the streets." Ang
eskadalong kinasasangkutan ng tinatawag na media na "Eurogenerals"
ay ang pinakahuli ng mga sunod-sunod na kasong high-profile sa Pilipinas,
kasangkot ang mga opisyal ng gobyerno, kabilang si Gloria Macapagal Arroyo.
Dahil
sa paglabas ni Engr. Rodolfo Noel Imperial Lozada, Jr., napilitang magbitiw
si tagapanggulo, o tagapangulo, ng Commission on Elections na si Benjamin
Abalos, na naakusahan ng paglalagay sa dating kalihim ng Socio-economic
Planning Romulo Neri. Ayon
sa ulat ng Center for Global Development, isang taga-Washington monitor
na magmumungkahi kung karapat-dapat bigyan tayo ng tulong sa ilalim ng
Millennium Challenge Corporation ng Estasdos Unidos, bumagsak ang kakayahan
ng pamahalaan ng Pilipinas na sugpuin ang korupsiyon nitong nagdaang dalawang
taon. "What
would be on page 10 in some other countries would be a banner headline
in the Philippines," ani GMA sa isang forum ng mga negosyanteng internasiyonal
sa Maynila, Kaya
kinulat ni GMA ang sektor ng negosyo na iulat agad ang katiwalian o kalokohang
mararanasan sa mga ahensiya ng pamahalaan upang "magawan niya ng
paraan." ANO NGA BA ANG KURAKOT? Isang konsensus ang nabubuo. Ito ay nagsasabing malalang sakit ang korupsiyon. Dahil
dito, paparami nang paparami ang mga tanggapan sa buong mundo ang nagsisimula
nang gumawa ng mga patakaran para ito sugpuin. Dapat makabuo ng mga panukat at para masukat ang epekto ng mga ito ay kailangan nang simulan ngayon. Ilan sa mga uri ng korupsiyon ay walo. (8 URI NG KURAKOT POWERPOINT) 1.
Tax Evasion (p.189) 2. Ghost Projects and Payrolls (p.78) •
proyektong nasa papel lamang; 3. Evasion of Public Bidding in the Awarding of Contracts •
pag-iwas sa bidding ng mga komite sa bid at award; 4. The practice of passing contracts from one contractor to another •
sa konstruksiyon, pinagpapasa-pasahan ng mga kontraktor ang trabaho at
bawat isa ay may porsiyento; 5. Nepotism and Favoritism •
nakasanayan na ng mga opisyal ng gobyerno ang magluklok sa posisyon ng
mga kaanak at kaibigang hindi kuwalipikado; 6. Extortion •
pagkuha ng pera o paghingi ng pabor sa biktima sa pamamagitan ng intimidasyon,
pananakot, at dahas; 7. "Tong" or Protection Money •
perang suhol o bayad para sa ilegal na serbisyo o perang proteksiyon para
hindi maaresto at maparusahan (p.194); 8. The "Lagay" system o Bribery •
perang panuhol sa opisyal o kawani, kapalit ng serbisyong ilegal o para
makaiwas sa parusa ng batas (p.114) kagaya ng suhol, baterya, blood money,
gobya, pitsa, at ningning; KAILAN AT SAAN NAGSIMULA ANG KORUPSIYON? May ilang historyador na nagsasabing sa tinatagal-tagal ng mga mananakop sa Pilipinas, halimbawa, ang pamamalagi rito ng mga Espanyol, nabuo ang pananaw na negatibo sa pamahalaan ng mga karaniwang tao. Sa
pangkalahatan, sa loob ng 333 taon ng mga pamahalaang Kastila, isinilang
ang pagtinging "kami-kami" at "kayo-kayo" sa dahilang
sila ay nang-aapi. Kung baga, imposibleng mabura sa diwa at damdamin ang pagbabago ng persepsiyon sa gobyerno. Dahil dito, nariyang nakawan natin ang pamahalaan, nang walang natatakot o hindi nakokonsensiya. "The
institutions of government were agents of abuse and oppression, At its
best, government came to mean for the Filipino an institution that was
burdensome; at its worst, it was predatory.... To the Filipino, government
became an institution to be avoided, for its interests were contradictory
to his. People and government were estranged from each other, and the
bonds of community were dissolved. ..." [Corpuz 1965:78] |
Copyright 2008 © Center for People Empowerment in Governance (CenPEG),
Philippines, All rights reserved |